OLLES SCHOOL FAIR, TAGUMPAY

posted Oct 23, 2009, 12:10 AM by Eleonor Sioson

Buong siglang  ipinagdiwang sa kauna-unahang pagkakataon ang OLLES School Fair noong ika-16 ng Pebrero. Ang palatuntunan ay pinangunahan ng ating masipag na pang-ulong guro, Gng. Ma. Jovita B. Singzon.  Ito ay nahati sa apat na bahagi - - Field Demo, Booth Fair, Coronation Night at DISCO Nite.

Nagtulungan ang GPTA, SPG at Faculty Association sa naturang aktibiti.  Punong puno ng kasayahan, sigla at pagkakaisa ang nasabing FAIR.

Ang mga mag-aaral ng Our Lady of Lourdes Elementary School ay nagpakita ng talento sa kanilang Field Demonstration, ang pamunuan ng SPG ay nagpakita ng husay sa pamamahala ng mga booths at pa-DISCO.  Samantalang ang GPTA ang namahala sa Coronation Night.   Ang pakiiisa at pagtulong ng ating mahuhusay na guro at mga magulang ang bumuo sa tagumpay ng ating palatuntunan.

Mainit na PAGBATI SA LAHAT!!!!

 

Comments