Latest News

SPG Student Leaders at Adviser, Dumalo sa IYF Global Camp

Isinagawa noong nakaraang Marso ang International Youth Formation Global Camp na dinaluhan ng mga SPG Student Leaders sa pangunguna ng kanilang adviser na si Gng. Imelda L. Tanarte. Ang nasabing Youth Formartion ay nag-iwan ng napakaraming kaalaman sa lahat ng dumalo sa nasabing aktibidad. Ilan sa mga gawain sa nasabing Youth formation na ito ay ang pagpapakilala sa iba't ibang kultura ng bawat bansa. Kabilang ang kanilang mga pagkain, pananamit, pagsayaw at marami pang iba. Bukod pa rito ay nagkaroon din ng isang Musical Presentation. Nagkaroon din ng diskusyon sa tungkol sa Good News Corps. Ang huli namang aktibidad ay ang pagpapatugtog at pagkanta ng "Tara na sa Pilipinas" na kung saan ay inirepresenta ang kamangha-manghang bagay tungkol sa Pilipinas.