Reading Evaluation Test Para sa mga Grade I Pupils Isinagawa
Post date: Jan 31, 2010 1:1:1 AM
Noong ika-21 ng Enero, 2010 ay isinagawa ang Reading Evaluation Test para sa mga mag-aaral ng unang baitang. Layunin nitong malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral na bumasa nang mabilis at may pang-unawa. Isinagawa ang Reading Test sa English at Pilipino na pinangunahan ng mga punong-guro ng ikalawang Distrito ng Balanga. Ang resulta ng reading test test na ito ay daraan sa masusing ebalwasyon ng mga punong-guro at isusumite ang kabuuang report sa mga nakatataas sa ating Dibisyon. Mahigpit na ipatutupad ang DepEd Order na "No Read, No Pass Policy." Kaya't ngayon pa lamang ay nagsasagawa na ng Reading Intervention programs sa English at Filipino ang mga guro sa mga batang non-reader upang agad malunasan ang kanilang kakulangan sa pagbasa.